Wednesday, October 26, 2005

3 months, but who's counting?

I just wanna post this pic.. schmuck took it, and i do not have any idea that he's taking our pic. I thought he's just looking at the pics i have taken in the cam.. that's us, in our pambahays on a normal weekend..

Wednesday, October 19, 2005

I'm tired of life here...

This may sound like a bratty spoiled kid caught up in her own little world.. but this my blog so i don't really give a damn.

I'm tired of Dubai. I can't see myself and my career flourishing here anymore. I want to go somewhere else. I want to start anew.

I'm not happy with my work anymore, it's too routinary for me (though i know i'm far blessed than a lot of people who do not have a job at the moment). I hate my wardrobe, i've outgrown everything in there (yeah i know it's such a simple thing to blabber about as there are tons of people who would wish to have what i have in my closet). The only thing that keeps me going at the moment are my dreams (for my family and career) and schmuck.

I know why i'm feeling this way, i know why i'm itching to leave this place.. it's because i know that despite the fact that i already excel here, i know that i can excel further somewhere else.

My options? Anywhere in Europe will be fine. Hopefully i won't be here anymore by the end of next year. Then, i'll start again. I'll try getting a job in research or PR, then i'll start writing again. Then who knows, if i enjoyed life there, i might settle there, and start a family...

It's good to know that schmuck shares the same views... he's itching to leave this place too.. we'll just leave it to fate. If we're meant to be somewhere else together, then who am I to complain? It couldn't be any better hehe. =)

One gimik night...

Isang gabi... nagkasama-sama ang mga bading ng UPAA... nagkalasingan, kwentuhan.. at kodakan.. bwahahaha...



Kailangan naka-pout lagi ang kumare nyo.. nagfe-feeling eh...



At ito si Paris Hilton, kasama si Tinkerbell... (joke lang ateng..)

Wednesday, October 12, 2005

Nagpasa ako ng resume wehehehe!

Note: Tagalog mode ulit upang protektahan ang sarili saka-sakaling ang amo ko pala ay nagsu-surf at may blog din..


Okay naman sa kompanya kong to. Di man ako properly compensated sa dami at antas ng trabahong ginagawa ko, e masasabing pupwede na. Kumbaga di ka kuntento pero pede nang pagtiyagaan.

Kasi nga mabait ang mga amo ko (crush nga kasi ako hehe), tapos parang wala na kong balak lumipat pa ng bagong trabaho kasi balak kong makipagsapalaran sa Europa by next year. E kung lilipat pa ako ng trabaho dito e di bagong kontrata na naman yun na 2years, e sawa na nga ko sa Dubai. Kaya parang mas mainam na tapusin ko na yung kontrata ko sa present company ko at saka ako sumibat ng malinis ang record ko..

Pero...

Oo, di ko mapagkasya ang sahod ko.. kumbaga pag inalis ko na yung bayad sa kuryente, tubig, bahay, padala sa pinas, transpo at pagkain e ang matitira sakin e pambili na lang ng yosi at isang fonecard, asan ang ipon ko? wala. Kaya nga ni pambili ng ticket pauwi e wala ako hehe.. May naitabi naman ako, pero kulang pa siyang ticket papuntang Europa.

Isang taon mahigit na ko dito, pero nahihiya akong lumapit sa amo ko at humingi ng increase sa sahod.. ewan ko ba! Pero kanina, habang nag-aayos ng dyaryo ng amo ko, nasulyapan ko ang classified. Mula nung napasok ako dito ay di ako naghahalungkat ng classified kasi nga parang pinaniwala ko ang sarili ko na okay na ko sa ganito. Pero out of the blue kanina e bigla siyang sumagi sa mata ko, at ang una ko kaagad nakita e opening para sa isang executive secretary ng GM! Usually naman deadma lang ako sa ganyan pero nung nakita ko yung sahod na inoo-offer nila, aba e napaisip ako.. 17,000aed? e wala pa sa 1/4 nun ang kinikita ko.. Imagine? 255,000php a month?

Feeling ko naman di ako qualified e, feeling ko kailangan nila e yung tipong sampung taon ng nagtratrabaho dito, tapos may MBA, tapos tipong US o UK educated, puti, hindi handwritten ang passport gaya natin, blah blah.. in other words e masyadong bigtime yung sahod para mapansin ang isang hamak na tulad ko! (pinulot ka lang sa lupa, bwahahaha!)

Pero malay natin... baka ma-type-an ako nung GM, gusto nya pala bata hehe. Kaya nagpasa ako ng resume! Ewan, basta nagtrip lang naman ako e. Di naman ako umaasa na masho-shortlist ako e. Basta kasi jologs yung resume ko (cv tawag nila dito). E pano kung napili ako? Diba?

At least wala akong what ifs, hehe!

Hmm.. ano nga kaya no? Hehe!

Tuesday, October 11, 2005

Dating an older guy...

I've dated older men before, like this British guy i used to go out with who's 4 years older than me, or that computer graphic artist who's like 3 years above my age. But my relationships with these guys never really worked out. The ones that last are those with guys younger or more or less my age. Like my 2 ex-boyfriends (both a year younger than me), the first one lasted for 9 months, the other for 2 1/2 years.

I used to think that my relationships with older guys don't work out bacause the age gap makes it hard for us to relate to each other, being from different generations. But then again, i was wrong, don't you just love it when your proven wrong? hehe..

Schmuck's older than me, as in way way older than me, he's 7 years older. We've been together for more than 4months (2months yung official hehe), and yet i don't see any problem. But who said anything about it being easy?

I now realized the difference between dating an older guy and a "mature" older guy. And me being a spoiled-rotten only child who's used to getting things my way, not to mention a used-to-be controlling bitch of a girlfriend (to my exes) and knows i can get away with anything just by using my charm or the teary-eyed paawa effect, damn it's really hard adjusting to this. (i can see schmuck now, laughing his guts out, he loves it when i make reklamo, that prick, hmmmp!)

Okay, what's the point of writing all this? I'm gloating.. hehe.. Teka, funny lang, i'm having a hard time, yet i'm not quitting. I'm not getting things my way, yet i'm staying. I'm not being spoiled, yet i'm still happy with schmuck's and i's relationship. HALA! Does that mean i'm starting to get a little more mature? Haha! (knowing schmuck, his reaction to this will be" "Yeah right, mature? You? Na-ah!)

Ano ba yan i lost track, back to my gloating.. it's really hard. We never fought that much, actually we more likely have what we both call civil disagreements. But if ever we have this shouting bouts, which is very rare talaga, there are only 2 topics we fought about. First is the "seeing each other a lot" issue. I'm used to being with my bfs most of the time, as in most of the time (well most girls are anyways), but he's not (with his preious gfs ha?). So we've agreed to just weekends together. I agreed half-heartedly hehe, i still try charming my way to see him during weekdays, but it doesn't work. He won't tolerate me hehe. I'm too spoiled already daw. This issue actually resulted to our first major away, which naulit pa ng pangalawa, but i'm not going for a strike 3 (if you know schmuck, you know what strike3 means). Ayaw na hehe. I'm starting to get used to it hehe..

Aside from this "seeing each other a lot" issue, the only other issue that starts our disagreements is when i crave for attention. I used to hate it when he's with me yet his mind's at work. But that i'm used to now, having a career-driven workaholic bf who's married to his work, i should better get used to being the mistress hehe.

But other than those 2 issues, we don't have any other problems. I am so thankful that he tries to understand me, kahit i'm being difficult most of the time. But i'm trying, and we both know this relationship will work out. It won't be easy, pero ganun e, we made this commitment to stay together, so no matter how difficult it could get, we must still try to put up with each other. Di pala dapat try, we should put up with each other pala. (yes you heard me right, put up is the right word)

Ayan, i remember some instances that somehow shows how schmuck is and why i still choose stay with him.

-When i ask him if he loves me, he'll said: Yes i love you and all your bad habits
-When he does something infuriating, and i say that i hate him, he thanks me, making it sound that hating him is a compliment. (i love and hate him at the same time)
-When he's so exhausted from work, he'll hug me tapos hingang malalim then say: Haaay inner peace!

But its not really what he says or what does that endears him to me. Those things are just bonuses. I just chose to stay coz i wanna stay I wanna stay coz i love him. And i love him coz i do, i don't know why, i just do.

Monday, October 10, 2005

Don't I look so pinay?

Tagalog mode ulit ako..

Sa 23 taon ng pamumuhay ko sa mundong ibabaw (yup sa ibabaw!), ni minsan di pumasok sa hinagap ko na ako ay hindi mukang pinay. Mula sa aking medyo may kalaparang ilong, aking di katangkarang height, di kaputian at kakinisang balat, basta over-all impact at audience impact pa, sure akong ako'y mukang pinay.

Pero sa mahigit isang taon kong paghuhukay ng langis sa disyerto ng Dubai, ilang ulit na akong napagkamalang ibang lahi, at minsan ng kapwa pinoy ko pa ha?

Eksena 1, Lokasyon: Office
May pumasok na pinay, naghahanap ng trabaho, inii-ingles ang beauty ko, e di sabi ko: "Ateng wala kaming vacancies." Nagulat ang kumare mo, marunong daw akong magtagalog, sabi ko na lang gaga pinay ako, kasi daw kala nya e Koreana.. Ganun?

Eksena 2, Lokasyon: Supermarket
Nasa isang asian section ako ng supermarket, naghahanap ako ng wasabe paste ng biglang may lumapit sa aking intisk at iniintsik ako, aba malay ko naman sa kanya.. e hindi pala marunong ng ingles kumare mo kaya, ngumiti na lang ako, sasabihin ko sana ching chang soo pancit bihon siomai canton.

Eksena 3, Lokasyon: Beach
Nagbibilad na mala-daing ang lola nyo (ako yun). Naka-two piece, naka-shades na retro na super fake (Cucci ang tatak wahaha), at nagbabasa ng libro. Isang tropa ng mga jologs, meaning mga limang lalaking naka-pahinante look (aka basketball jersey at shorts with matching reflector shades), medyo may kalakihan ang mga tiyan ang naka-spot sakin. Deadma ang sosyalerang bading pero na-overheard ang chismisan ng mga hip the lup (hiphop na amoy lupa).


Jologs 1: Pare? Tignan mo yung babae o.. Lapitan natin..
Jologs 2: Sira hindi ata pinay e. Pinay ba?
Jologs 1: Hindi koreana ata e.
Jologs 3: Hindi indonesian yan o malaysian
Jologs 2: Ayoko baka mamaya di pala pinay e.

Kasi naman pano iisipang pinay e madalang ang pinay na nagtwo-two piece, kaming mga nag-iinarte lang ang naggaganun sa bansang arabo, tapos nagbibilad pa e ang pinay takot sa araw at ayaw umiitim. Kaya ang daing na nagfe-feeling, nagpanggap na lang tulog.

Eksena 4, Lokasyon: Cafe Havana
Naghahapunan kami ng aking "bitter" half, tapos ang waiter na pinoy na nagseserve samin ay ingles ng ingles, deadma ako, kala ko ganun ang patakaran sa kanila e. Tinawag ko siya: "Kuya? Pakuha na po nung bill." Natameme ang lolo mo, sabay tanong kung pinoy kami, kasi daw ako mukang koreana tapos si schmuck naman mukang hapon. Kaloka!

Disclaimer: Hindi ako Chinese, Korean, Malaysian, Indonesian, Singaporean or Hapon. Ako ay Espanola! Si! Si! Me llamo Maria Graciela Carreon y Castro. Yo soy Andaluciano. Charing! Haha! Pangarap kong maging espanola, gusto kong tumira sa Mother Spain. Ay ang taray, pag pala nakatuluyan ko si schmuck super espanola-sounding ang pangalan ko.. Maria Graciela Segovia! Ang ganda! Parang nobility! Kung di man papampon na lang ko sa nanay nya para makuha ko yung apelyido nila, hehe.

Tuesday, October 04, 2005

Ramadan at ang Dakilang Tagatimpla ng Kape...

Nasa mood akong magsulat sa Filipino, para at least maligaw man ang amo ko sa blog ko e hindi nya maiintindahan yung sinulat ko tungkol sa kanya.

Teka maiba muna ko, mamaya na yung sa amo ko, kwento muna ko. Tagal ko ring di nagblog ah, kasi wala akong maisip na kablog-blog sa buhay ko lately, payapa siya masyado, at kadalasan ang payapang buhay ay hindi nagki-click sa takilya.

Ngayong araw ang simula ng ramadan. Nakakaloka sa dami ng bawal. Pero unahin natin ang magandang dulot ng ramadan. Isa-isahin natin:

Positibo:
-Mas maikli ang oras ng trabaho. Ang dating 8-5 ngayon ay 8-2 lang, mas maaga uuwi! hehe. Isang buwan na ganun, at buo ang sweldo!
- Walang masyado traffic sa umaga kasi ang mga govt. offices/bangko 9am ang pasok so di ko sila nakakasabay hehe..
-Tahimik ang kalsada
-Mababait ang mga lokal (arabo), di ka huhubaran ng tingin at bawal ngayon yun.. bawal sa kanila ang sex, bisyo (yosi at alak), kumain at uminom (from 5am-6pm), blah blah blah...

Negatibo:
-Bawal pahuli ng kumakain ka from 5am-6pm. So ayun at nagtatago pa ko para lang kumain at uminom. May biskwit ako sa bag ko na kinukurut-kurot ko, sabay takip ng panyo sa bibig hehe.
-Isipin mo kahit sa loob ng sarli mong sasakyan at nakita kang umiinom ng tubig e paparahin ka at magkita na lang tayo sa presinto, tsk tsk.
-Sarado ang mall maghapon, gabi na magbubukas, mga 5pm tapos bukas hanggang 3am hehe
-Bukas mga fastfood pero panay takeouts lang.
-Walang banda sa mga bars.
-Bawal magyosi sa labas, basta bawal kang makita na nagyoyosi.
-Bawal affection, ultimo holding hands bawal, nak ng tokwa schmuck magtitigan na lang tayo, hehe.

Ayan isang buwan yan, tapos sa Nov. 3-5 ay Eid Mubarak Holidays, so walang pasok at sandamakmak ang sale, goodluck sa akin at wala akong pera.

Balik tayo sa kwento tungkol sa amo kong koreano. Langya type ata ako, kaloka. Kasi pinatawag ako kanina, ano daw ba ang tingin ko sa paghahain ng kape sa kanya, akala ko naman dahil ramadan kaya siya nagtatanong so sabi ko, ok lang na magkape ka basta wag sa harap ng mga muslim. Pero hindi daw yun, ok lang daw ba na ako ang mag-serve ng kape nya at ng mga bisita nya, kasi gusto nya daw ako ang nagbibigay ng kape sa kanya. Bakit daw kasi yung office boy ang nagtimtimpla ng kape nya, e di sabi ko na yun ang trabaho nung office boy, nasa job description nya na magtimpla ng kape e, at minsan kapag ako ang nagtitimpla, nag-iinsist talaga siya na trabaho nya yun at siya ang magtitimpla, so fine, go, sayo na ang pantry! Ikaw na ang dakilang Starbucks. Pero wag ka, pinatawag ng amo ko ang office boy at sinabihan na kapag sa kanya, ako ang gagawa ng kape. Kaloka! Personal Secretary nya ko, tagagawa ng sulat nya, taga-ayos ng schedule nya, taga-book ng trips nya (flight at hotel), taga-ayos ng golf bookings nya, tagabayad ng tuition fee ng mga anak nya, taga-schedule ng doctor's/dentist's appointment ng mga bata, tagabayad bills nya, tapos ngayon pati kape nya ako pa? Gusto nya lagi ako nakikita e. Hmmm...

Tapos eto pa isa: Eto ang usapan namin kanina, tinagalog ko lang pero ingles dapat yan na putol putol, kasi nga koreano siya hehe.. G ay ako at MP ay si Mr. Park (hindi nya daw kaano-ano si Sandara):

G: Sir, pede ko bang i-avail yung bakasyon ko ngayon November, mga 10-15 lang..
MP: Bakit? Anong espesyal na okasyon?
G: Plano ko sir pumuntang Turkey?
MP: Para san? Business?
G: Hindi po, bakasyon lang.
MP: Sino kasama mo? BF mo?
G: Opo (ay tanga bakit ko sinabi)
MP: E papano airfare mo?
G: Sagot ko, mura lang naman di bababa ng 1000, ticket na saka hotel ng 3gabi
MP: Talaga? O sige pag nakuha mo na itenerary mo bigay mo sakin.
G: Bakit po?
MP: Gusto ko ring pumunta.

Hala yan, sasama pa ata ang mokong na singkit na to, bahala siya, sa arte nyang yun e ewan kung sumakay siya ng chartered flights at magstay sa 3star hotel. Basta ako lulubusin ko ang bakasyon na yun, mahigit isang taon na ko dito at kailangan na ng sistema ko ang bakasyon. Basta pag natuloy, una kong pupuntahan ang Hagia Sofia, tapos ang Topkapi Wall, pag may oras pa sa Troy na din at Euphesus. Balita ko malamig dun sa November, as in di daw kaya ng pacute kong mga jackets. Dapat siguro makapunta na ng Brands for Less at ng makabili ng thermal clothes hehe.

Ayan na nga bang sinasabi ko, tinatawag na ko, kape daw ulit! Arghhh!