Ramadan at ang Dakilang Tagatimpla ng Kape...
Nasa mood akong magsulat sa Filipino, para at least maligaw man ang amo ko sa blog ko e hindi nya maiintindahan yung sinulat ko tungkol sa kanya.
Teka maiba muna ko, mamaya na yung sa amo ko, kwento muna ko. Tagal ko ring di nagblog ah, kasi wala akong maisip na kablog-blog sa buhay ko lately, payapa siya masyado, at kadalasan ang payapang buhay ay hindi nagki-click sa takilya.
Ngayong araw ang simula ng ramadan. Nakakaloka sa dami ng bawal. Pero unahin natin ang magandang dulot ng ramadan. Isa-isahin natin:
Positibo:
-Mas maikli ang oras ng trabaho. Ang dating 8-5 ngayon ay 8-2 lang, mas maaga uuwi! hehe. Isang buwan na ganun, at buo ang sweldo!
- Walang masyado traffic sa umaga kasi ang mga govt. offices/bangko 9am ang pasok so di ko sila nakakasabay hehe..
-Tahimik ang kalsada
-Mababait ang mga lokal (arabo), di ka huhubaran ng tingin at bawal ngayon yun.. bawal sa kanila ang sex, bisyo (yosi at alak), kumain at uminom (from 5am-6pm), blah blah blah...
Negatibo:
-Bawal pahuli ng kumakain ka from 5am-6pm. So ayun at nagtatago pa ko para lang kumain at uminom. May biskwit ako sa bag ko na kinukurut-kurot ko, sabay takip ng panyo sa bibig hehe.
-Isipin mo kahit sa loob ng sarli mong sasakyan at nakita kang umiinom ng tubig e paparahin ka at magkita na lang tayo sa presinto, tsk tsk.
-Sarado ang mall maghapon, gabi na magbubukas, mga 5pm tapos bukas hanggang 3am hehe
-Bukas mga fastfood pero panay takeouts lang.
-Walang banda sa mga bars.
-Bawal magyosi sa labas, basta bawal kang makita na nagyoyosi.
-Bawal affection, ultimo holding hands bawal, nak ng tokwa schmuck magtitigan na lang tayo, hehe.
Ayan isang buwan yan, tapos sa Nov. 3-5 ay Eid Mubarak Holidays, so walang pasok at sandamakmak ang sale, goodluck sa akin at wala akong pera.
Balik tayo sa kwento tungkol sa amo kong koreano. Langya type ata ako, kaloka. Kasi pinatawag ako kanina, ano daw ba ang tingin ko sa paghahain ng kape sa kanya, akala ko naman dahil ramadan kaya siya nagtatanong so sabi ko, ok lang na magkape ka basta wag sa harap ng mga muslim. Pero hindi daw yun, ok lang daw ba na ako ang mag-serve ng kape nya at ng mga bisita nya, kasi gusto nya daw ako ang nagbibigay ng kape sa kanya. Bakit daw kasi yung office boy ang nagtimtimpla ng kape nya, e di sabi ko na yun ang trabaho nung office boy, nasa job description nya na magtimpla ng kape e, at minsan kapag ako ang nagtitimpla, nag-iinsist talaga siya na trabaho nya yun at siya ang magtitimpla, so fine, go, sayo na ang pantry! Ikaw na ang dakilang Starbucks. Pero wag ka, pinatawag ng amo ko ang office boy at sinabihan na kapag sa kanya, ako ang gagawa ng kape. Kaloka! Personal Secretary nya ko, tagagawa ng sulat nya, taga-ayos ng schedule nya, taga-book ng trips nya (flight at hotel), taga-ayos ng golf bookings nya, tagabayad ng tuition fee ng mga anak nya, taga-schedule ng doctor's/dentist's appointment ng mga bata, tagabayad bills nya, tapos ngayon pati kape nya ako pa? Gusto nya lagi ako nakikita e. Hmmm...
Tapos eto pa isa: Eto ang usapan namin kanina, tinagalog ko lang pero ingles dapat yan na putol putol, kasi nga koreano siya hehe.. G ay ako at MP ay si Mr. Park (hindi nya daw kaano-ano si Sandara):
G: Sir, pede ko bang i-avail yung bakasyon ko ngayon November, mga 10-15 lang..
MP: Bakit? Anong espesyal na okasyon?
G: Plano ko sir pumuntang Turkey?
MP: Para san? Business?
G: Hindi po, bakasyon lang.
MP: Sino kasama mo? BF mo?
G: Opo (ay tanga bakit ko sinabi)
MP: E papano airfare mo?
G: Sagot ko, mura lang naman di bababa ng 1000, ticket na saka hotel ng 3gabi
MP: Talaga? O sige pag nakuha mo na itenerary mo bigay mo sakin.
G: Bakit po?
MP: Gusto ko ring pumunta.
Hala yan, sasama pa ata ang mokong na singkit na to, bahala siya, sa arte nyang yun e ewan kung sumakay siya ng chartered flights at magstay sa 3star hotel. Basta ako lulubusin ko ang bakasyon na yun, mahigit isang taon na ko dito at kailangan na ng sistema ko ang bakasyon. Basta pag natuloy, una kong pupuntahan ang Hagia Sofia, tapos ang Topkapi Wall, pag may oras pa sa Troy na din at Euphesus. Balita ko malamig dun sa November, as in di daw kaya ng pacute kong mga jackets. Dapat siguro makapunta na ng Brands for Less at ng makabili ng thermal clothes hehe.
Ayan na nga bang sinasabi ko, tinatawag na ko, kape daw ulit! Arghhh!


1 Comments:
beware grasya at type ka nga yata talaga. bubuntot pa sa inyo ni schmuck sa turkey!
Post a Comment
<< Home